Haaay... Natapos na rin ang lahat ng EXAM... At nakaka-pahinga na ang aking gamit na gamit na utak.. Masaya dahil tatlong araw na walang pasok at 14 na araw na lang eh tapos na ang "aking elementary days". Masaya naman pag-elementrya ka... Minsan nga lang eh nakaka-tamad... May mga kailangang gawing pang-bata na masyado at limitado kami sa mga gawaing "pang-elementary" kasi nga elementarya pa lang kami... Pero iniisip ko, ano na kaya sa highschool? Sa elementarya walang concerts.. dun kaya meron? Meron pang prom at iba-ibang tulad noon... Marami na akong iniisip tungkol sa highschool kahit hindi pa naman ako ganun... Pero mas maigi kung napag-planuhan na... Wait lang ano kaya ang magandang plano?
Sa isang all-girls school ako mag-aaral na katabi ang isang all-boys school rin... Nasa tapat rin ng eskwelahang ito ang Greenbelt, Glorietta, SM, Landmark, at Walter Mart... Masaya ba? Hindi noh! TEmpting lang... Di ko ma-imagine ang feeling na wala kang kaklaseng lalaki... Mas masaya kaya na ang lahat mong kaklase eh para mo ng "sisters" o masama dahil walang experience.?? ewan... Pero ang alam ko, malalaman ko lang yan pag-andun na ko...
aloneintheDARKroom]]* 2:09 PM ;