Kagagaling lang namin sa mall. Bad-trip nga kasi nawala yung una kong binili namin. Well, ganito yun::
Bumili kami ng "bolero" para sa skirt at top ko... Tapos, nung babayadan na eh pagka-kita ko may damage! So, pinapalitan... And weird kasi ilang beses kong sinukat yun at wala naman akong nakitang dumi... Halatang-halata pa naman kaya nakapag-tataka... Anyway, yun na! Napalitan na at OK na ang binili... Bumili kami ng flats na bagay sa whole outfiT... Tapos pumunta na kaming Glorietta at kumain sa Sbarro... pagkatapos eh nag-tingin tingin kami kung saan saan... bigla akong sinabihan ng nanay ko na ipasok ang isang plastik kung saan nandun ang binili kong bolero sa mas malaking plastin na kung saan nakalagay ang sapatos para mas madaling hawakan lahat at isa na lang*ilagay ang lahat sa iisang plastik para isa lang ang bitbit*... Sabi ko wag na lang! Tapos bumili ako ng havaianas at naghanap hanap ng bag... Tapos nung pababa na kami para tumingin-tingin ng mga t-shirts sa Bench, eh biglang napansin ko na isa na lang na plastik ang dala ko! Shit! Nasan na yun? Well, nawala nga siya! At hindi ko alam kung saan ko siya naiwan... Binalikan namin sa kung saan saan at nag-tanong tanong pero wala po talaga! Depressed...
Sabi ng nanay ko, bumili na lang daw kami ng parang ganun... Sabi ko wag na lang kasi ang raming malas ng "bolero" na yun... Kaya naghanap kami ng iba.. Nakahanap na kami pero hindi naman siya bagay sa flats na binili ko... Binili na lang namin at bukas na lang kami bibili ng bagong sandals... ahh! Kakapagod... Kung pinakingan ko sana nanay ko eh hindi na kami ng hanap hanap uli...
Kaya..
MAKINIG.
aloneintheDARKroom]]* 10:15 PM ;