Mahirap na ang buhay ng mga Pinoy ngayon. Puro problema na ang dumadapo sa bansa. Una, yung sa ULTRA na hanggang ngayon nag-sisisihan pa rin sila. Tapos yung sa Leyte na nag-mud slide at syempre, yung mga ka-g*guhan na nangyayari sa politika. Nakaka-inis na ang mga pag-aresto nila sa mga hindi sumasang-ayon sa gobyerno! Wala naman silang warrant... kaya ang nangyayari, warrant-less arrest. Tapos pa-kunyari pa yang mga politiko na yan na kasi daw may continuing case ang mga activista nung mga 1985, eh ano ba naman yan? Ginawa ba naman tayong tanga! Eh bakit hindi pa nila noon pa hinuli... Ewan ko na lang gayun... magulo na talaga ./.. Sana magka-roon na ng kalakasan ng loob ang Presidente natin na gawin ang "supreme sacrifice" na sinasabi ni Ex-President Corazon Aquino. Sana lahat ng tao maki-alam at wag naman sana nila ika-hiya ang bansa! kahit ganto tayo, tuloy tuloy pa rin dapat ang buhay natin. Sana sa araw-araw nating buhay, maka-tulong tayo sa pag-tayo uli ng bansa na palagi na lng nadadapa...
sana...
p.s. Pasensya na sa mga naka-sulat na hindi niyo na-gustuhan
aloneintheDARKroom]]* 1:49 PM ;